Idol ko si Jess Lapid, Jr. dahil...

...siya at ang "Man in the Moon" ay iisa.

Si Jess Lapid, Jr.? Lagi siyang nasa orbit.

Idol ko si Jess Lapid, Jr. dahil...

...kaya niyang magpigil ng hininga lalo na kung hindi kanya.

Idol ko si Jess Lapid, Jr. dahil...

...hindi nilalanggam ang kanyang pagkain.

Si Jess Lapid, Jr.? Inuubos niya ang lahi ng sino mang gumalaw sa kanyang kinakain.

Idol ko si Jess Lapid, Jr. dahil...



...hindi siya dumadaan ng underpass.

Si Jess Lapid, Jr.? Lagi siyang nasa ibabaw.

Idol ko si Jess Lapid, Jr. dahil...

...makatlong beses na niyang nabibilang ang mga bitwin sa tanghaling tapat.

Idol ko si Jess Lapid, Jr. dahil...

...nag-aral siya sa Unibersidad ni Tomas.

Si Jess Lapid, Jr.? Wala siyang SINASANTO.

Idol ko si Jess Lapid, Jr. dahil...

...nang maramdaman niyang dumarami na ang Intsik sa Pinas, binaklas niya ang tulay na lupa.